Lasa Ng Imperyo

Ika-30 ng Enero hanggang ika-8 ng Pebrero, 2025

For an English version of this page, click here.

Sa paglalahad na ito ng A Taste of Empire ni Jovanni Sy, pinagtatambal ang teatro at gastronomiya para pagnilayan ang mga epekto ng "global imperialism" o pandaigdigang imperyalismo sa ating pagprodyus, paghanda, at pagkonsumo ng pagkain. Sa pamamagitan ng isang live cooking demonstration, ginagabayan ng pagtatanghal na ito ang mga manonood sa kumplikadong kasaysayan ng Pilipinas, gamit ang wikang Tagalog na may kasamang mga surtitle sa Ingles.

Imbes na si Sous-Chef Jovanni, tampok ng bagong  bersiyon na ito si Sous-Chef Mela. Trabaho ng maboka at matapang na Sous-Chef ang magluto ng relyenong bangus, isang putaheng malalim ang ugat sa kasaysayan ng kulinarya at koloniyalismo.

Kung paanong unti-unting binubuhay ang relyenong bangus sa Lasa ng Imperyo, gayundin ang mga kuwentong nakababad sa mga sangkap nito. Pinagdudugtong ni Sous-Chef Mela ang bawat timpla at hakbang sa mga tema ng globalisasyon, "cultural identity" o kultural na pagkakakilanlan, at "resource exploitation" o ang pag-abuso sa mga likas na yaman, at inaanyayahan ng mga manonood na pagnilayan kung paanong patuloy na hinuhubog ng imperyalismo ang "global food markets" o ang pandaigdigang kalakalan ng pagkain.

Tungkol sa Palabas

Samahan ninyo kami sa The Nest Granville Island mula ika-30 ng Enero hanggang ika-8 ng Pebrero 2025

Mula ika-20 ng Nobyembre, maaaring bumili ng tiket sa: pushfestival.ca

Adaptasyon at Pangunahing Aktor: Carmela Sison

Direksiyon: Marcus Youssef

Disenyo ng Entablado at Ilaw: Parjad Sharifi

Disenyo ng Bidyo at Surtitle: Andie Lloyd

Disenyo ng Props at Kasuotan: Jenn Stewart

Disenyo ng Tunog: Mary Jane Coomber

Dramaturhiya at Konsultasyon: Karla Comanda

Kasamang Aktor: Oswald Gabriel Pingol

Tagapamahala ng Entablado: Jethelo Espaldon Cabilete

Tagapangasiwa ng Produksyon at Direksiyong Panteknikal: Christian Ching

Mula sa A Taste of Empire ni: Jovanni Sy

Dramaturhiya sa Workshop: Nina Lee Aquino

Pangkat Artistiko